Isang malaking karangalan para sa Cotabato City! Itinanghal na Regional Winner at National Finalist ng Civil Service Commission (CSC) para sa Presidential Lingkod Bayan Award si Mayor Para sa Lahat Bruce Matabalao.
Ang Presidential Lingkod Bayan Award ay isa sa pinakamataas na parangal na ibinibigay ng CSC. Ito ay pagkilala sa mga natatanging opisyal ng gobyerno na nagpakita ng kahusayan sa paglilingkod publiko, nagdulot ng positibong pagbabago, at nag-ambag ng malaki sa pagpapaunlad ng kanilang komunidad.
Alay natin ang karangalang ito sa mga kasama nating manggagawa sa City Government at sa mga Cotabateñong tunay na nagmamahal at nagmamalasakit sa Cotabato City. Pag-iibayuhin natin ang serbisyo PARA SA LAHAT upang mapaninidigan natin ang pagkilalang ito. ALHAMDULILLAH!