LOCAL CHIEF EXECUTIVE OF THE YEAR” AT THE 2024 NATION BUILDERS & MOSLIV GALA AWARDS
- COTABATO CITY – Nakatanggap ng parangal si Mayor Para sa Lahat Mohammad Ali “Bruce” Matabalao sa katatapos lamang na 2024 Nation Builders and Mosliv Gala Awards kung saan siya ay itinanghal bilang “Local Chief Executive of the Year” sa Grand Ballroom, Okada Manila noong ika-28 sa buwan ng Nobyembre taong kasalukuyan.
Nagsilbing kinatawan ng alkalde si Liga ng Barangay President Cotabato City Chapter Solaiman Adtong. Kasama rin dito ang pagtanggap ni Poblacion 2 Barangay Chairman at Cotabato City Vice Mayor Aspirant Johair S. Madag bilang Public Servant of the Year.
Layunin ng Nation Builders and Mosliv Gala Awards na mabigyan ng pagkilala ang mga indibidwal o organisasyon na ginagampanan ang kanilang tungkulin ayon sa tiwala at pag-asang ipinagkaloob sa kanila ng kanilang nasasakupan. Maliban pa rito, sila rin ay magsisilbing modelo sa iba pang naghahatid ng serbisyo publiko at magsilbing ehemplo sa tamang pamamalakad o pagganap sa kani-kanilang tungkulin.