Isinagawa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region XII ang pamamahagi ng food packs para sa mga benepisyaryo ng Walang Gutom 2027: Food Stamp Program sa People’s Palace Gymnasium, Cotabato City. Ang aktibidad na ito ay bahagi ng pinalawak na implementasyon ng programa sa buong bansa, na layuning mabigyan ng tulong ang mga pamilyang nakararanas ng kagutuman.​